Programa ng Kagawaran ng Batas Para sa Tulong sa Biktima-Saksi
Kung ikaw ay biktima ng isang krimen, may itatakdang tao sa tanggapan ng district attorney na nagsusulong sa iyong kaso na sasagot sa iyong mga katanungan at na tutulong sa iyo.
Ang taong ito ay makakatulong sa iyo na iulat ang isang krimen at humingi ng tulong sa pulis na pigilan ang isang tao na nang-aabuso, nanggugulo, o sumusubok na takutin ka. Masasagot nila ang iyong mga katanungan hinggil sa criminal justice system (sistema ng katarungan sa krimen) at sa iyong kaso at makakapagbigay sila sa iyo ng suporta sa korte. Makakapagbigay sila sa iyo ng impormasyon hinggil sa kompensasyon sa mga marahas na krimen, bayad-pinsala, pagsauli ng ari-arian, mga problema sa iyong tagapag-empleyo, mga fee sa saksi, at sa pagbibiyahe at hotel kung ikaw ay magmumula sa ibang lugar. Masasabi nila sa iyo ang mga ahensiya na makakapagbigay ng shelter at mga serbisyo para sa iyong mga legal, medikal, panlipunan at mental health na pangangailangan.
Masasabi sa iyo ng iyong contact sa tanggapan ng district attorney kung saan gagawin ang presentence report nang sa gayon ay magamit mo ang iyong karapatan na mainterbyu. Maituturo nila sa iyo kung paano ka maaaring mapakinggan sa pagsentensiya sa akusado. Patakaran ng Department of Law, Criminal Division ng Alaska na magbigay ng patas na access sa mga serbisyo nito sa lahat ng mga biktima at mga saksi ng krimen anuman ang problema sa wika o pandinig alinsunod sa Title VI ng Civil Rights Act of 1964 dahil naaapektohan nito ang mga tao na may limitadong kakayahan sa Ingles o may problema sa pandinig.
Kung kailangan mo ng isang interpreter, mangyaring sabihin sa tanggapan ng district attorney. Itatakda ang isang interpreter nang walang gastos sa iyo.
Ang Victim-Witness Assistance Program ay gumawa ng ilang mga polyeto para sa mga biktima. Maaari mong i-download dito ang ilan sa mga polyeto. Ang Adobe Reader ay kinakailangan para sa ilan sa mga dokumento na nakalista sa ibabâ upang sila'y makita:
- Mga Katawagan ayon sa Batas
- Librito ng mga Karapatan ng mga Biktima - PDF(720K)
- Mga Karapatan ng mga Biktima ng Krimen - PDF(603K)
- Polyeto ukol sa Impormasyon sa Karahasan sa Tahanan - PDF(295K)
- Polyeto ukol sa Impormasyon sa Sexual Assault - PDF(291K)
- Polyeto ukol sa Safety Planning - PDF(224K)
Mga Link sa Iba Pang mga Serbisyo sa Biktima
Ang Alaska Judicial Council ay gumawa ng makakatulong na polyeto para sa mga biktima: A Handbook for Victims of Crime in Alaska (Handbook para sa mga Biktima ng Krimen sa Alaska). Ito ay maaaring i-download sa http://www.ajc.state.ak.us/reports/VictMan01.pdf (PDF 130K). Bukod pa sa paglalarawan ng kung ano ang mangyayari pagkatapos ng isang krimen, ano ang mangyayari pagkatapos ng paghatol at paano naiiba ang juvenile delinquency proceeding sa adult criminal court, ang handbook ay mayroong komprehensibong direktoryo ng mga serbisyo para sa biktima na makukuha sa mga komunidad sa Alaska sa panahon ng publikasyon.
Ang Office of Victim's Rights ng State Legislature ng Alaska ay nagsisilbi bilang tagapagtaguyod ng mga biktima kapwa sa korte at sa mga sitwasyon kung saan pinaniniwalaan ng biktima na nilabag ng mga ahensiya para sa krminal na katarungan ang kanilang mga karapatan. Ang impormasyon ukol sa Office of Victim's Rights ay makukuha sa web sa https://ovr.akleg.gov/.
Ang impormasyon sa mga serbisyo sa biktima mula sa Department of Corrections kabilang ang kung paano ka mabibigyang paunawa sa naka-pending na paglaya ng akusado sa iyong kaso sa pamamagitan ng kanilang automated victim notification system (VINE) ay makukuha sa http://www.correct.state.ak.us/probation-parole/victim-service-unit.
Ang mga link sa iba pang mapagkukunan ng impormasyon ay nakalista sa ibabâ: