Mga Katawagan ayon sa Batas
Pagbasa ng Sakdal/ Pagpapaharap sa Hukuman
Isang pamamaraan sa batas na kung saan ang taong napagbintangang gumagawa ng krimen ay nadala sa hukuman, nasabihan ng mga paratang, at hiningan ng sagot kung may-sala o walang sala.
Piyansa* / Lagak
Isang halaga ng perang itinakda ng hukuman na pwedeng ibayad ng nasasakdal upang makalaya sa pangangalaga. Ang piyansa ay karaniwang batay sa mga dahilang gaya ng pagiging piligroso ng nasasakdal sa pamayanan at panganib sa pagtakas.
Pagpapatuloy
Mga pagpapaliban sa mga pagdinig at paglilitis sa hukuman.
Nasasakdal
Isang taong naparatangan ng paglabag sa batas.
Abogado ng Depensa*/ Tagapagtanggol ng Depensa
Isang abogadong inupahan o itinalaga para kumatawan sa nasasakdal at ipagtatanggol siya laban sa mga paratang na kriminal.
Tuklas
Ang pamamaraan na kung saan ang nag-uusig ay nagbabalik ng lahat na katibayan laban sa nasasakdal. Maaaring kabilang sa tuklas ang nakasulat o pasalita na mga pahayag.
Pagpapaalis
Isang pasalita o nakasulat na pabatid sa hukuman at sa nasasakdal mula sa nag-uusig na nagsasaad na ang nag-uusig ay nagwakas na. Kung ang nasasakdal ay nasa pangangalaga, siya ay palalayain sa yaon na paratang.
Katampalasan** /Pagkakasala ng isang Mabigat na Opensa
Isang krimen na nagtataglay ng higit sa isang taon na maaaring pagkabilanggo.
Malaking Lupong Hurado
Labingwalong mamamayan na ala-swerteng pinili galing sa pagboto, pangangaso, pangingisda, PFD, at kahalintulad na talaan para pakinggan ang katibayang inilahad ng isang taga-usig upang pagpasyahan kung mayroong sapat na katibayan para litisin ang isang tao sa isang krimen.
Sagot na may-sala
Isang nasasakdal na pinaparatangan ng alinmang krimen ay maaring sumagot ng may-sala, walang sala, o hindi tumututol.
Bista* o Mga Pagdinig
Pormal na mga paglilitis sa hukuman na nangyayari sa isang silid hukuman at bukas ang mga ito sa taong-bayan.
Habla* / Sakdal
Isang pormal, nakasulat na paratang na inilathala ng isang malaking lupong hurado na pinaparantangan ang isang tao ng isang krimen matapos maisaalang-alang ang katibayang nilahad ng isang taga-usig. Ang habla ay hindi patunay ng isang krimen.
Pagkakasala ng isang Maliit na Opensa
Isang krimen na nagtataglay ng pinakamataas na isang taon o mas kaunting panahon ng pagkabilanggo.
Sariling Obligasyon
Pagpapalaya sa nasasakdal mula sa pag-iingat nang walang hinihinging anumang piyansa.
Sagot sa Paratang Magkaunawaan
Isang kasunduan sa pagitan ng isang nasasakdal at isang taga-usig na kung saan ang nasasakdal ay umaaming nakagawa ng isang krimen. Bilang kapalit, humihiling ang taga-usig sa hukom na patawan ng magaang hatol kaysa sa kung ang nasasakdal ay nahatulan sa isang paglilitis.
Probasyon* /Subok na Paglaya
Isang opsyon ng paghatol para sa karamihang maliit na paglabag sa batas at katampalasan na mga hatol na kung saan ang nasasakdal ay umiiwas sa ilan / kabuuang pagkabilanggo at pinapalayang muli sa pamayanan sa ilalim ng pangangasiwa ng isang opisyal ng probasyon sa tiyak na kapanahunan, kasama ng maraming mga patakaran na dapat sundin.
Taga-usig
Ang tagapagtanggol na kumakatawan sa Estado ng Alaska sa kriminal na pag-uusig.
Mga Kondisyon sa Paglaya
Mga kinakailangang gawin na ipinataw ng hukuman na dapat sundin ng nasasakdal kung siya ay napalaya mula sa pagiingat. Maaring kasama sa mga kondisyon ang tulad ng hindi pakikipag-ugnayan sa biktima at mga saksi, pagbabawal sa mga lugar, pagsisiyasat sa paggamit ng droga, at iba pa.
Pagbabayad Pinsala/ Pagpapanumbalik**
Mga kabayarang inutos ng hukom para bayaran ang mga biktima sa pagkawala ng pangkabuhayan dulot ng krimen (pagkawala ng ari-arian o mga kapinsalaan). Hindi kasama ang kabayaran sa sakit at paghihirap, madamdaming pighati o iba pang mga pinsalang walang kaugnayan sa pangkabuhayan na maaring mabayaran sa pamamagitan ng demandang batas sibil.
Patakaran sa Mabilisang Paglilitis
May karapatan sa batas ang mga nasasakdal na malitis ang kanilang kaso sa loob ng 120 araw mula sa petsa nang sila ay nadakip o naibigay sa kanila ang isang kasulatang may paratang na krimen. Ang nasasakdal ay maaring humingi sa mga hukuman ng pagpapagpaliban sa paglilitis.
Subpena
Isang nakasulat na utos upang humarap sa mga paglilitis sa hukuman sa takdang araw at oras. Ang saksi ay sasailalim sa multa kapag nabigong sumunod.
Pahayag ng Biktima sa Pinsala
Isang pahayag, kadalasan sa pamamagitan ng sulat o pakikipag-usap nang tapatan sa hukom, mula sa mga biktima o sa mga nakaligtas hinggil sa kung papaano nakaapekto ang krimen sa mga biktima.
Translator's note:
*widely used
** exact equivalent but not a common term